Nakaganti na rin ang Team USA sa national team ng France upang tuluyang ibulsa ang ikaapat na sunod na gold medal sa Tokyo Olympics basketball competitions sa score na 97-92.
Kung maalala sa pagsisimula pa lamang ng torneyo ay lumasap nang shocking loss ang US na binubuo ng mga NBA superstars.
Pero sa pagkakataong hindi na hinayaan pa ng mga Americans na pahiyain muli sila ng France na tampok din ang ilang NBA players tulad ni Rudy Gobert.
Nanguna sa diskarte ng US ang veteran player na si Kevin Durant na nagtapos ng 29 points.
Ito na ang ikatlong gold medal ni Durant sa Olimpiyada na nadagdag pa sa kanyang tatlong NBA titles.
Matapos ang laro ay nagbunyi ang mga players kasabay nang pagwagayway nila ng bandila ng Amerika.
Bago pa man nabuo kasi ang kanilang team ay dumaan ito sa maraming hamon kasama na ang serye nang pagkatalo sa exhibitions games.
Hindi rin kaagad nakompleto ang team dahil merong nawala at humabol naman ang tatlong iba pa na nanggaling pa sa NBA Finals.