Matapos na maplantsa na ang mga laro sa preseason games ng NBA, inaabangan naman ngayon ng mga fans kung makikita na muli ang paglalaro ng dalawang superstars ng liga.
Una nang inanunsiyo ng NBA ang mga schedules ng exhibition games mula December 11 hanggang December 19 bago naman ang formal opening ng NBA sa December 22, 2020.
Sa December 11 ay limang games ang naka-line up kung saan sasabak kaagad ang defending champion na Los Angeles Lakers laban sa karibal na Los Angeles Clippers.
Sa December 12 inaasahang babalik na rin ang itinuturing na isa sa pinakamatinik na shooter at dating MVP na si Stephen Curry kung saan haharapin ng Warriors ang Nuggets.
Kung maalala ang Golden State Warriors ay nangulelat noong huling season at dumanas pa ng injury si Curry.
Kinabukasan December 13, bibida naman sa preseason games ng Brooklyn Nets ang dati ring MVP at all-around player na si Kevin Durant.
Sa unang pagkakataon ay maglalaro si Durant mula ng ma-sideline ito sa dahil sa Achilles injury noong taong 2018.
Masisilayan din ng mga fans ang bigating tandem ng Nets na sina Durant at Kyrie Irving upang harapin ang Washington Wizards ni John Wall.