-- Advertisements --
Kevin Hart
Kevin Hart/ IG post

Patuloy pa rin ang pagpapagaling ng komedyanteng si Kevin Hart matapos na ito ay masangkot sa aksidente nitong Linggo.

Ayon sa asawa nitong si Eniko Hart, nakaka-usap na niya ang actor at tuloy-tuloy na ang paggaling nito.

Naging matagumpay rin ang ginawang operasyon sa kaniya sa likod.

Magugunitang nakaligtas ang komedyanteng matapos na mabangga ang kotse nito sa Mulholland Highway sa Los Angeles.

Kasama niya sa aksidente ang driver nitong si Jared Black na itinakbo sa pagamutan matapos ang aksidente.