-- Advertisements --
cavs love clarkson

Sumandal ang Cleveland Cavaliers sa kanilang veteran player na si Kevin Love upang ma-upset sa over time game ang San Antonio Spurs, 117-109.

Nagawang maipasok ni Love 3-pointer sa final seconds ng regulation upang maisalba ang laro sa tabla.

Nagtala ng 30 points at 17 rebounds si Love para pangunahan ang rally ng Cavs (6-19) at tuluyang matuldukan ang kanilang walong sunod-sunod na talo.

Sa 4th quarter pa lamang at overtime ay meron ng 10 puntos si Love upang matikman nila ang panalo na huling nangyari ay noon pang November 23 laban sa Portland.

Malaking tulong naman ang nagawa nina Collin Sexton na may 28 points at ang San Antonio native at Filipino American Jordan Clarkson na nagdagdag ng 25 puntos.

Ang tandem nina Clarkson at Sexton ay umiskor sa 20 mga tira mula sa 37 pagtatangka na meron lamang apat na turnovers.

Sa kabilang dako muling dinala ni DeMar DeRozan ang Spurs (9-15) kung saan nagtapos siya sa 21 points.