-- Advertisements --
1202399409

Nangunguna pa rin ang Miami Heat sa mga manliligaw ng five-time All-Star forward na si Kevin Love upang mapabilang ito sa kanilang team.

Batay sa iba’t-ibang report ay nakumpleto na umano ni Kevin Love ang contract buyout nito sa Cleveland Cavaliers  at ang availability ni Love ay magiging kaakit-akit rin sa lahat ng mga nangungunang team.

Ayon sa ilang eksperto , nangunguna ang Heat dahil maaari nitong mabigyan si Kevin ng defined role at playoff positioning sa NBA.

Si Kevin ay may average score na 8.5 points. 6.8 rebounds at 1.9 assist sa 44 na laro nito at tatlong laro nagsimula sa kanyang 9th season kasama ang Cleveland Cavaliers.

Nagmamay-ari rin siya ng career averages na 17.2 points, 10.5 rebounds at 2.3 assists sa 853 games (662 starts) para sa Minnesota Timberwolves (2008-14) at Cavaliers.

Siya rin ang natitirang miyembro mula sa Clevelands 2016 NBA championship team at pumirma ito ng $120 million contract extension noong 2018.