Inanunsiyo ngayon ng Team USA na umatras na rin si Cleveland Cavaliers forward Kevin Love na maging bahagi ng national team na sasabak sa Tokyo Olympics.
Si Love ang pangalawang NBA player na naalis sa koponan matapos matanggal si Washington Wizards All-Star Bradley Beal na nasa ilalim pa ng COVID health protocols.
Dahil sa pangyayari ipinalit naman sa kanila ng Team USA, sina Denver Nuggets center JaVale McGee at San Antonio Spurs forward Keldon Johnson para mabuo ang 12-man roster.
Sa kanyang statement inamin ni Kevin Loven ang kanyang labis na pagkadismaya at ipinaliwanag ang kanyang dahilan na kulang pa siya sa kondisyon.
Ayon sa kanya hindi pa nagpi-peak ang kanyang performance para Olympic level lalo na at kagagaling lamang niya sa pagpapagaling sa kanyang injury.
Ngayong araw sana ang rematch na exhibition game laban sa Australia pero ito ay kinansela.
Gayunman ang huling tune up game ng mga NBA superstars ay tuloy naman sa Lunes kontra sa team ng Spain.
Sa Martes sasakay na ang mga basketball team ng Amerika sa isang chartered flight patungo ng Tokyo, Japan.