-- Advertisements --

SEOUL, Korea – Bumida ngayon ang Pilipinong basketball player na si Kevin Quiambao matapos magpakitang gilas sa isang liga sa labas ng bansa na Korean Basketball League (KBL).

Umarangkada kasi ang paggawa nito ng puntos sa ginanap na laro ng kanyang team na Goyang kontra sa koponan ng Wonju.

Kung saan, nakapagtala ang naturang player ng kanyang career high na 36 points sa pagtatapos ng laro sa iskor na 86-82 pabor sa kanyang grupo.

Ang ginawa niyang paghataw sa laro ay sinabayan pa ng pagkuha ng 12 rebounds, 3 assists at 2 steals sa pag-abante ng koponan na habulin ang kalamangan na 22 points ng kalaban.

Ito ang unang pagkapanalo ni Kevin Quiambao sa Goyang dahil sa pagkatalo naman ito noong nakaraang laban sa team ng Anyang.

Dahil dito, umaasa ang kanilang mga taga-suporta na magpapatuloy ang kanilang pag-angat sa kasalukuyang rekord na 11 na pagkapanalo habang 24 na pagkatalo naman.

Bukod pa rito, si Kevin Quiambao ay inaasahan ding makapag-bibigay ng magandang laro sa Gilas sa pag-andar ng kanilang preparasyon sa nalalapit na FIBA Asia Cup 2025.