-- Advertisements --
Desidido si Gilas Player at Dela Salle University star player Kevin Quiambao na ipursige ang kaniyang pangarap na maglaro sa NBA.
Sinabi nito na magtutungo na ito sa Korea para maglaro muna sa Korean Basketball League sa Goyang Sono SkyGunners.
Isinagawa nito ang anunsiyo ng talunin sila ng University of the Philippines sa UAAP Finals nitong araw ng Linggo.
Dagdag pa nito na tapos na ang kaniyang college basketball career kaya ipupursige na lamang niya ang paglalaro sa professional basketball sa pamamagitan ng Korean basketball.
Pinasalamatan nito ang mga fans at ang mga nakasama niya sa paglalaro sa DLSU.