-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Gilas Pilipinas ang paggaling na ni 2-time UAAP men’s basketball Most Valuable Player Kevin Quiambao.

Kinumpirma ni Gilas assistant coach Richard del Rosario , na makakasama na si Quiambao sa kanilang exhibition game na gaganapin sa Doha sa darating n Pebrero.

Darating ito sa bansa mula sa Korea sa Pebrero 12 at makakasabay sa koponan sa biyahe patungong Doha sa Pebrero 13.

Gaganapin ang exhibition game sa Doha mula Pebrero 14 hanggang 16 kung saan makakaharap nila ang host country na Qatar, Lebanon at Egypt.

Ang nasabing laro ay bilang paghahanda na rin para sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan makakaharap nila ang Taiwan sa Pebrero 20 habang ang New Zealand naman sa darating na Pebrero 23.

Magugunitang nabahala ang Gilas matapos na magtamo ng right ankle injury si Quiambao sa kasagsagan ng paglalaro nito sa Korean Basketball League (KBL) noong Enero 12.