Gumawa ng maliit na pagbabago sa lineup ang Gilas Pilipinas bago ang laro nito laban sa katunggaling Jordan para sa final game sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers ngayong araw
Pinalitan ni Kevin Quiambao si Calvin Oftana upang masiguro ang matibay na depensa ng kanilang koponan.
Ayon kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes at ng kanyang mga staff, mas pinili nilang panatiliin ang dating line-up na kung saan naipanalo nila ang laro kontra sa lebanon ng nakaraang biyernes.
Samantala, pangungunahan pa rin ni Justin Brownlee ang Gilas sa laban kontra Jordan, habang sina Jamie Malonzo, Bobby Ray Parks, at Mason Amos, ilan sa mga naging key players sa 107-96 panalo laban sa Cedars.
Kasama rin sa squad sina Dwight Ramos, Scottie Thompson, June Mar Fajardo, CJ Perez, Jordan Heading, Kiefer Ravena, at Thirdy Ravena.
Hawak ng Pilipinas ang ikatlong puwesto sa Group E na may 6 wins at 3 loses record habang ang Jordan ay nasa ika-apat na pwesto na may record na 5 wins at 4 loses na kung saan ang naturalized player na si Dar Tucker ang mangunguna sa Falcons.