-- Advertisements --

Nakatakdang magsanay sa US si Gilas Pilipinas player Kevin Quiambao para sa NBA Summer League.

Matapos kasi ang paglalaro niya sa Korean Basketball League, ay hindi pa rin ito nawawalan ng pag-asa para ipursige ang professional ambition niya.

Nakabalik na sa Pilipinas ang 23-anyos na si Quiambao para mag-recharge at ito ay inaasahang magtutungo sa US mula Hunyo hanggang Hulyo.

Magsisimula kasi ang NBA Summer League mula Hulyo 10 hanggang 20 sa Las Vegas, Nevada.

Nakakuha ito ng suporta mula sa may-ari ng Korean Basketball team na si Lee Kwangsoo kung saan sasamahan pa siya na magtungo sa US.

Hanggang 2027 pa rin ang kontrata niya sa koponang Skygunners ng South Korea at bukod pa dito ay nakatakda rin itong maglaro sa Gilas Pilipinas national team na FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin sa buwan ng Agosto sa Saudi Arabia.