-- Advertisements --

Sumailalim sa interogasyon ng Metropolitan Police ang aktor na si Kevin Spacey sa Estados Unidos hinggil sa sex assault allegations nito sa United Kingdom.

Ayon sa Variety magazine, nagtungo sa US ang Scotland Yard detectives noong Mayo upang interview-hin ang multi-awarded actor sa anim na alegasyon ng sexual assault na kinakaharap nito na sinasabing nangyari mula 1996 hanggang 2013.

Hindi naman dinakip si Spacey ngunit nakasaad sa report na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

“In May 2019, a man was voluntarily interviewed under caution in America, by officers from the Met’s Complex Case Team,” pahayag ng Metropolitan Police.

“He was not arrested. Inquiries are ongoing.”

Sa ngayon, tikom pa ang bibig ng kampo ng legal team ni Spacey ukol sa ulat. (BBC)