-- Advertisements --

Pumanaw na ang co-founder at keyboardist ng sikat na New Wave band na Depeche Mode na si Andy “Fletch” Fletcher sa edad 60.

Inanunsiyo ito ng kaniyang banda kung saan natural cause ang dahilan ng kamatayan nito.

Naging miyembro ng banda si Fletcher ng mahigit na 40 taon mula ng mabuo ang banda noogn 1980 at ang paglabas ng unang album nila noong 1981 na “Speak and Spell” hanggang sa pinakahuling album na “Spirit”.

Noong 2020 kasama ni Fletcher ang bandmates na sina Dave Gahan, Martin Gore, Vince Clarke at Alan Wilder ay nahalal sa Rock and Roll Hall of Fame dahil sa pangunguna sa synth-pop, new wave at electronic music movements.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng grupo ay ang “Just Can’t Get Enought”, “Somebody”, “Strangelove” at maraming iba pa.

Nagpaabot naman ng kalungkutan at pakikiramay ang ilang mga banda at musikero na nakasabayan ng banda.