CENTRAL MINDANAO-Isa ang nasawi sa inilunsad na law enforcement operation ng mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang napatay na si Marrox Genem Amlong alyas Marokz,myembro ng Kidnap For Ransom Group (KRFG),gun for hire at residente ng Barangay Kitapok Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang tahanan ng suspek ngunit tumakbo ito at nakipagbarilan.
Patay on the spot si Amlong nang magtamo ito ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.
Narekober sa posisyon ng suspek ang isang kalibre.45 na pistola,3 magazine at mga bala.
Ang suspek ay may warrant of arrest sa kasong kidnapping, multiple murder, extortion at multiple frustrated murder na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang mga kasamahan ni Amlong na myembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.