Kinumpirma ni PNP AKG Director SSupt. Glen Dumlao na iisang grupo lamang ng Kidnap for Ransom Group (KFRG) ang nakalaban ng kaniyang mga tauhan kanina sa Cavite at ang insidente nuon sa Laguna na ikinasawi din ng tatlong kidnappers.
Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay Dumlao kaniyang sinabi na iisang grupo lamang ito na pinangungunahan ng mg Indian nationals at may mga kasama din itong mga Pinoy.
Kaninang madaling araw napatay sa Cavite ang dalawang kidnappers matapos manlaban sa mga operatiba ng AKG sa pamumuno ni PSupt. Arthur Masungsong.
Sinabi ni Dumlao na malaking sindikato ang nasabing kidnap for ransom group at ang kanilang binibiktima ay mga kapwa Indian nationals.
Kinilala ni Dumlao ang dalawang napatay na kidnappers na sina Honey Singh at Kumar Pardeep.
Narekober naman ng PNP ang umanoy ransom money na nagkakahalaga ng P680,000.00.
Una rito nasa P20-M ransom ang hinihingi ng mga kidnappers sa mga kamag anak ni Lalit Kumar.
Ayon kay IMus City Police chief PSupt. Norman Rañon na nagkatawaran kaya bumaba ang ransom demand.
Kahapon narekober ang bangkay ng kidnap victim na si Kumar.
Ang insidente naman sa Laguna ay nangyari nuong nakaraang buwan, narescue ang kidnap victim na Indian pero patay ang tatlong kidnappers nito.