Hindi umano interesado si UFC star Khabib Nurmagomedov sa posibilidad ng muli nilang pagtutuos ng kanyang karibal na si Conor McGregor.
Ayon kay Nurmagomedov, lalabanan niya raw si McGregor sakaling magtagpo sila sa kalye, ngunit hindi raw nito pagbibigyan ang hirit nito na rematch hangga’t hawak nito ang lightweight title.
“Even [the October fight] did not finish it,” wika ni Nurmagomedov. “Just smash people is not enough. I talk about just smash only him? It’s not enough. We have to smash all his team. This is what I think before the fight. This is what I say to my team. ‘Hey, tonight, we’re going to war. This is not about fight.’
“It will never be finished. Ever. Even if we see [each other] somewhere, we’re going to fight, 100 percent. It doesn’t matter if someone go to jail or something like this. I’m not scared about this. … They go to hospital and we go to police. That’s it.”
Nakatakdang depensahan ni Nurmagomedov ang kanyang titulo kay Dustin Poirier sa UFC 242 sa darating na Sabado sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Ito na ang unang beses na tutungtong muli sa Octagon si Nurmagomedov buhat nang talunin nito si McGregor sa kanilang bakbakan noong Oktubre.
Una nang naghayag ng interes si McGregor para sa isang rematch, ngunit hindi ito kakagatin ni Nurmagomedov hangga’t walang naipapanalong sagupaan ang Irish fighter.
“This guy [McGregor] have to come back and make nine- or 10-fight win streak. Then we gonna fight,” ani Nurmagomedov.