Kabi-kabilang akusasyon ngayon ang kinkarap ng Saudi Arabia matapos ang naging hatol ng korte para sa limang akusado na di-umano’y may kaugnayan sa pagkamatay ng mamamahayag na si Jamal Khashoggi noong 2018.
Mockery of justice umano ang ginawa ng nasabing bansa dahil sa tila pagtatanggol nito kay Crown Prince Mohammed bin Salman na pinaniniwalaang mastermind sa malagim na pagpatay.
Ayon kay Agnes Callamard, UN special rapporteur na naglathala ng imbestigasyon sa pagkamatay ng journalist, sa ilalim umano ng human rights law ang pagpatay kay Khashoggi ay isang extrajudicial execution kung saan ito ay malaking responsibilidad ng Saudi Arabia.
Sinabi naman ni deputy public prosecutor Shalaan bin Rajih Shalaan na nasa 31 katao umano ang inimbestigahan kaugnay ng pagpatay habang 11 ang kinasuhan. Tatlo sa mga ito ay haharap sa 24 na taong pagkakakulong at ang natitira naman ay tuluyan nang pinalaya.
Lumabas din umano sa imbestigayon na walang kinalaman sa krimen si Saud al-Qahtani, ang most trusted adviser ng prinsipe.
Sinasalungat din nito ang konklusyon ng Central Intelligence Agency (CIA) at iba pang western intelligence agencies na direktang iniutos ni Prince Mohammed ang pag-murder kay Khashoggi.