-- Advertisements --

Tikom ang bibig ng White House matapos na ilabas ng United Nation experts ang pinaniniwalaan nilang matibay na ebidensyang magdidiin kay Saudi Arabia crown prince Mohammed bin Salman sa pagpaslang sa kolumnistang si Jamal Khashoggi.

Hindi naman inaasahan ng ilang mambabatas at foreign policy experts na magiging dahilan ito ng lamat sa umano’y magandang samahan ng United States at Saudi Arabia.

Ayon pa sa mga ito, hindi na rin daw nila ikagugulat kung walang gagawin na hakbang ang Trump administration upang tutukan pa ng husto ang tunay na koneksyon ng prinsipe sa insidente.

Hinikayat naman ni UN special rapporteur Agnes Callamard ang White House na magsagawa ng konkretong hakbang upang lumabas ang katotohanan. Ilan sa kaniyang mga kahilingan sa US government ay ang pagbubukas ng FBI investigation sa Kashoggi murder case at pagsulong ng criminal prosecutions sa US sa mga taong nasa likod ng pagpatay.

Hindi naman tinanggap ng Saudi Arabia minister of state for foreign affairs Adel al-Jubeir ang mga inilabas na ebidensya Un experts.

Aniya, inuulit ulit lang umano ng mga ito ang una na nilang inilalabas sa media ngunit malinaw daw na walang basehan ang mga alegasyon laban sa kanilang prinsipe. (USA Today)