-- Advertisements --
Neging negatibo sa powder burns ang 17-anyos na si Kian delos Santos sa isinagawang parafin test ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory.
Si Kian ang sinasabing binaril ng mga pulis sa Caloocan na walang kalaban-laban.
Ito’y matapos kinunan ng paraffin cast ang magkabilang kamay ni Kian pero negatibo ito sa powder residue batay sa pagsusuri.
Ayon kay PNP Crime Lab Director C/Supt. Aurelio Trampe, positibo sa gun powder residue ang isang caliber 45 colt pistol na may serial number na 56182 at minarkahan na “KLD” na nakuha sa crime scene.
Una ng sinabi ng Caloocan-PNP na may dalang baril si Kian na cal .45.
Sa ngayon hindi pa matukoy ng crime lab kung kaninong baril at anong klaseng baril ang nakapatay sa estudyante.