Isasagawa na ngayong araw ng Lunes ang launching ng Covid-19 vaccination sa mga bata edad 5-11 anyos sa lungsod at lalawigan ng Iloilo.
Tatlo ang vaccination sites sa probinsya: ang West Visayas State University Cultural Center, ang Aleosan Hospital sa Alimodian, Iloilo, at Robinsons Mall Pavia, Iloilo.
Sa Iloilo City, partner ng Iloilo City Government ang Philippine Pediatric Society sa simultaneous activities sa separadong vaccine sites.
Nasa 61,872 ang target recipients sa Iloilo City habang 267,470 naman sa Iloilo Province.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Joselito Villaruz, presidente sang WVSU, sinabito nito na all-set na volunteerd doctors sa unibersidad na makatulong sa pediatric vaccination.
Hinimok rin nito ang mga magulang na pabakunahan na ang mga bata upang magsilbing proteksyon sa napipintong pag-resume ng face-to-face classes.
Pfizer vaccine ang gagamitin sa vaccination dahil ito lang ang naka-secure ng emergency use approval mula sa Philippine Food and Drug Administration (FDA).