GENERAL SANTOS CITY – Isasagawa ang kick-off ng vaccination ng Sinovac vaccine sa lungsod ng Heneral Santos nitong araw.
Positibo si Mayor Ronnel Rivera na magtatagumpay ang pagbabakuna sa mga healthcare workers mula sa ibat-ibang pagamutan sa lungsod.
Ayon sa alkalde, malaking tulong na maprotektahan ang buhay ng mga frontliners na siyang nagbuwis ng buhay dahil sa pagharap sa mga COVID-19 patient.
Umaasa si Mayor Rivera na dahil sa COVID vaccine matatapos na paghihirap ng lahat dahil sa epekto ng nasabanggit na nakamamatay na virus.
Nabatid na nasa 3,138 doses ng Sinovac vaccines ang unang natanggap ng LGU -GenSan mula sa national government para sa mga medical frontliners.
Magtatagal ng pito ng araw ang pagbabakuna sa lungsod.
Samantala naging matagumpay naman ang vaccination rollout sa unang batch na hospital workers na nabakunahan kahapon na nasa 248.