CENTRAL MINDANAO-Bubuo ng volunteer fire brigade gang ang Bureau of Fire Protection (BFP- Kidapawan City) ngayong fire prevention month.
Ito ang kinumpirma ni Kidapawan City Fire marshal Captain Marjorie Resurrection.
Bahagi ito sa mga nakalatag na aktibidad ngayong Fire prevention Month ng BFP-Kidapawan.
Sasailalim sa limang araw na training ng kabilang ang Fire prevention, firefighting at pagrescue ang mga Volunteer Fire Brigade galing sa ibat-ibang Barangay sa Kidapawan City.
Layon ng BFP na makapagresponde agad ang mga volunteers sa kanilang mismong barangay, bago paman dumating ang mga pamatay sunog na mula pa sa Kidapawan City at probinsya ng Cotabato.
Nag-iisa lamang ang fire station sa Kidapawan City at posibleng mabilis na matupok ng apoy kung ilang minuto pang makapagresponde ang mga fire truck.
Mula Enero hanggang sa kasalukuyan ay tatlo na naiulat ng insidente ng sunog sa Kidapawan.
Nagpaalala si Resurrection ang taong bayan na magtodo ingat lalo na ngayong panahon ng tag init.