-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Magsisilibing Temporary Treatment and Monitoring Facility at Step Down Care facility na may kaakibat na kagamitang medikal para sa mga mild COVID-19 cases ang City Hospital sa lungsod.

Ginawa ng 36 bed capacity ang pasilidad matapos itong sumailalim sa retrofitting upang makatugon sa mga mild na kaso ng pandemya.

Maala-alang nagtamo ng kasiraan ang City Hospital noong nakalipas na October 2019 earthquake kung saan ay pansamantalang inilagay ang mga pasyente nito sa mga tent na pinahiram ng Philippine Red Cross at Department of Social Welfare and Development.

Maliban pa sa ipagsasaayos ng ospital, nilagyan din ito ng dagdag na kagamitan gaya ng Cardiac Monitor, Infusion Pump, Emergency Carts at iba pa.

May kanya kanya itong isolation room upang masigurong hindi madaling magkakahawaan ang mga pasyente at mismong mga medical frontliners na mag-aasikaso sa kanila.

Bagamat kakaunti na lang ang natitirang dapat ayusin sa pasilidad, nakahanda na ito na tumugon kung sakali mang magkakaroon ng pagtaas ng kaso ng mild Covid19 sa lungsod.

Kapag nakumpleto na ang retrofitting ng pagamutan, mabibigayn na ito nga accreditation mula sa Department of Health at Philhealth.