-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nasa ika 26 na puwesto mula sa 112 na component cities ng Pilipinas ang Kidapawan City sa 2020 Most Competitive Cities ng Department of Trade and Industry.

Mula ika 32 noong 2019 ay umakyat ng anim na pwesto ang lungsod sa patimpalak na iginagawad ng DTI sa mga Local Government Units na nakakuha ng mataas na marka sa usapin ng: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure and Resiliency.

Patunay lamang ito sa maayos na pamamalakad ng City Government lalo na at sa taong 2020 unang nanalasa ang Covid19 pandemic, wika pa ni City Mayor Joseph Evangelista.

Sa kabila ng krisis na idinulot ng pandemya ay naipatupad ng maayos ng City Government ang mga programa at pagbibigay serbisyo publiko sa mamamayan, dagdag pa ng alkalde.

Bagamat nahirapan sa umpisa ng pandemya, ay naitaguyod naman ng City Government ang pagpapatakbo ng ekonomiya sa tulong at aktibong partisipasyon ng business sectors sa mga programa, proyekto at kampanya laban sa Covid19 ng Lokal na Pamahalaan.

Positibo ang pamunuan ng City Government na mahihigitan pa ang ika 26 na pwesto nito sa mga Most Competitive Cities ngayong nababawasan na ang mga kaso ng Covid19 sa lungsod.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Mayor Evangelista ang lahat na magpabakuna kontra sa sakit upang tuluyan ng mabuksan ang Kidapawan City patungo sa new normal.