CENTRAL MINDANAO-Patuloy na pinananawagan ng City Government at mga partner stakeholders nito na sundin at igalang ang karapatan ng mga bata sa lungsod ng Kidapawan.
Ito ang kanilang commitment na siyang nilalaman ng Panatang Makabata na sabayang bibigkasin nina City Mayor Joseph Evangelista at mga partners ng City Government na siyang pinaka highlight sa pagdiriwang ng International Childrenโs Month ngayong November 26, 2020.
Laman ng Panatang Makabata ang karapatan ng mga bata na itinatakda ng United Nations Convention on the Rights of the Child.
Naka sentro ang Panatang Makabata sa mga sumusunod: magkaroon ng karapatan na ipanganak at mabuhay; maprotektahan laban sa ano mang uri ng pananakit, karahasan, pang-aabuso at diskrimininasyon; mapalago ang kaalaman, kakayahan at talento; makalahok sa mga gawaing pambata; at maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan sa lahat ng panahon.
Dahil na rin sa mga pinaiiral na mga quarantine protocols kontra Covid19, gagawin na lamang online ng CSWDO at DepEd ang mga pacontest na tampok sa pagdiriwang.
Bibigkasin ang Panatang Makabata sa wikang Tagalog, Cebuano at Manobo para lubusang maintindihan ng lahat ng mga taga Kidapawan City.