CENTRAL MINDANAO- Para mabigyan ng pagkakataon na makapamelengke at makabili ng pangunahing pangangailangan ang mga nagtatrabaho magiging bukas na ula alas-6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi ang mega market.
Bukas ang merkado publiko mula araw ng Lunes hanggang Biyernes para mabigyan ng sapat na oras na makabili ang mge empleyadong galing sa trabaho sa panahon na ipinatutupad ang General Community Quarantine (GCQ) kontra COVID-19 pandemic sa lungsod.
Mayroon namang alas-6:00 hanggang alas-4:00 ng hapon ang operasyon ng mega market sa mga araw ng Sabado at Linggo simula sa May 9, 2020.
Kinakailangan pa ring sundin ng lahat ang tamang araw sa pagdadala ng color coded Kidapawan Quarantine Identification Pass kapag papasok ng mega market.
Gagamitin ang pink pass sa araw ng Lunes, Miyerkules, Biyernes at Sabado, samantalang yellow pass naman kung Martes, Huwebes at Linggo.
Kung walang KIDQIP, hindi pwedeng pumasok ng mega market.
Giit pa ni City Mayor Joseph Evangelista, hindi rin papayagang makapasok sa mega market kung blue pass ang ipapakita dahil tanging pagpasok sa trabaho lamang ang gamit nito.
Sa mga taga ibang lugar naman na pinayagang makapasok sa lungsod, dapat ipakita ang quarantine pass mula sa kanilang mga munisipyo kung bibili sa mega market.
Mahigpit pa rin ang “No Face Mask No Entry Policy” kapag papasok ng mega market at kinakailangan din na sumailalim sa thermal scanning at disinfection ang lahat na mamamalengke sa lugar.
Bagamat may mga dagdag ng pwestong pinayagan ang city government na magbukas sa loob ng Mega Market na pasok sa Executive Order number 38 na inilabas ni Mayor Evangelista, kinakailangan pa rin na sumunod ang lahat ng mamimili sa physical distancing na itinatakda kontra COVID-19.