-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Isinailalim na sa state of calamity ang Kidapawan City dulot ng malaking pinsala na iniwan ng 6.3 magnitude na lindol na yumanig sa probinsya ng Cotabato.
Sinang-ayunan ng sangguniang Ppnglunsod ang rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction Management Office na maideklara ang state of calamity.
Pinaboran naman ni Mayor Joseph Evangelista ang pagsasailalim sa lungsod sa state of calamity para agad magamit ang calamity fund na dagdag na tulong sa mga biktima ng lindol.
Una na ring inilagay sa state of calamity ang mga bayan ng M’lang, Makilala at Tulunan sa North Cotabato.
Hanggang ngayon ay patuloy na nakakaranas ng malalakas na pag-uga ng lupa o aftershocks ang siyudad ng Kidapawan at North Cotabato