CENTRAL MINDANAO-Pormal ng binuksan sa publiko ang libreng Wifi sa Kidapawan City Plaza.
Layon ng hakbang na ito na magkaroon ng libreng access ang mga namamasyal sa City Plaza lalo na ng mga estudyante na walang internet connection sa kanilang tahanan na makapag-research at makatulong sa nagpapatuloy na face-to-face classes, ayon Kay Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista.
Mayroong apat na itinalagang Wifi stations sa loob ng City Plaza na kinabibilangan ng π³πΌπ΅π»π°π¨π΅ π²π°π«π¨π·π¨πΎπ¨π΅ 1, π³πΌπ΅π»π°π¨π΅ π²π°π«π¨π·π¨πΎπ¨π΅ 2, π³πΌπ΅π»π°π¨π΅ π²π°π«π¨π·π¨πΎπ¨π΅ 3, ππ π³πΌπ΅π»π°π¨π΅ π²π°π«π¨π·π¨πΎπ¨π΅ 4.
Kailangan lamang i-click ang Wifi network na pinakamalakas ang signal at mag log-in na.
Nilagayan naman ng limit ang paggamit ng bawat indibidwal /bawat gadget ng hanggang isang oras bawat araw upang mabigyan din ang ibang namamasyal ng pagkakataong gumamit ng naturang mga Wifi.