CENTRAL MINDANAO-Malugod na tinanggap ng mga residente ng Barangay Onica ang muling pagbubukas ng KASIMBAYANAN o KAPULISAN, SIMBAHAN, at PAMAYANAN na naglalayong mapagtibay ang samahan ng ating mga kapulisan at ng publiko tungo sa progresibo at matiwasay na komunidad.
Nagsagawa ang ating mga kapulisan ng pagpupulong patungkol sa paglaban sa mga krimen, terorismo, at illegal na droga.
Nilahukan ito ng Kidapawan City Police Station sa pangunguna ni PCPT Razel C. Enriquez sa covered court ng Barangay Onica, Kidapawan City.
Nagsagawa din ng pagtuturo si PCPT Razel C. Enriquez tungkol sa Gender and Development, RA 9262(Batas Laban sa Karahasan sa Kababaihan), RA 7610(Batas na Nagproprotekta sa Pang-aabuso ng kabataan), RA 8353(Batas laban sa Panggagahasa). Matagumpay na natapos ang aktibidad sa mismong araw.