-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Upang mapataas pa ang proficiency, morale at mapaigting ang kampanya laban sa kriminalidad, isang inisyatiba ang ginawa ng city government of Kidapawan para sa Kidapawan City police.

Ito ay ang pagbibigay ng mga bala at iba pang kagamitan sa hanay ng lokal na kapulisan na kinabibilangan ng sumusunod: one set ammunition reloader, one set Dillion 505 reloader, safety table, steel cabinet, steel bench, at assorted ammunitions o mga bala.

Ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, malaki ang magagawa nito sa pagsasanay ng mga pulis partikular na sa target shooting ganundin sa pagpapanatili ng peace and order ng lungsod.

Mula sa pondo ng city government ang ipinambili ng nabanggit na mga ammunition at mga kagamitan, ayon pa kay Mayor Evangelista.

Mismong si Kidapawan City OIC chief of police Lt. Col Lauro Espida kasama ang ilang personnel ng KCPS ang tumanggap ng mga bala at kagamitan kasabay ang kanyang pasasalamat kay Kidapawan City Mayor Evangelista.

Sinabi ni Espida na hindi ganoon karami ang supply na bala para sa bawat police personnel kaya’t labis siyang natutuwa sa tinanggap na mga ammunition.

Gagamitin raw ito ng mga tauhan ng local PNP sa target shooting at practice na kanilang ginagawa upang mapaangat ang kapasidad ng mga pulis at iba pang tauhan ng KCPS.