-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- – Inaprubahan na ng City Council sa Kidapawan City na isailalim sa State of calamity ang buong lungsod dahil sa dengue outbreak.

Ayon kay Jasna Sucol ang dengue program coordinator ng Cty health office na umabot na sa 687 ang dengue cases sa syudad at dalawa dito ang nasawi at ito ay maituturing ng Epidemic level.

Sa ilalim ng State of Calamity ay magagamit ang 30% na Quick Response Fund na 13 milyon pesos para sa pagbili ng fogging machine ng City Health Office.

Sa ngayon ay may problema umano sa pondo ng QRF dahil na nagamit na ito sa El niño.

Matatandaang unang nagdeklara ang LGU-Kidapawan ng state of calamity nitong 2nd quarter ng taon dahil sa epekto ng el nino.

Napagkasunduan na lamang ng City Council,ibang ahensya ng gobyerno at ni Mayor Joseph Evangelista na hanapan nang paraan kung saan makahugot ng pondo sa dengue outbreak.