-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Ginawaranng Plaque of Recognition bilang Outstanding Veterinarian in Government Service si Kidapawan City Veterinarian Dr. Eugene B. Gornez.

Ito ay sa ginanap na 41st Annual Convention and Scientific Conference ng Philippine Veterinary Medical Association o PVMA na ginanap sa Soto Grande Hotel, Davao City.

Masayang tinanggap ni Dr. Gornez ang kanyang plaque na may lagda nina PVMA Vice President and Convention Chairman Dr. Agelio B. Abadilla at PVMA SMC Secretary Dr. Ali M. Panda.

Hindi naman naging madali para kay Dr. Gornez na mapili at makatanggap ng nabanggit na parangal dahil na rin sa mga kwalipikasyon na kailangang taglay ng isang awardee kabilang dito ang pagiging professional sa tungkulin, mahusay na record sa trabaho, at patuloy na pag-angat ng kakayahan sa paglilingkod.

Kinakitaan naman si Dr. Gornez ng lahat ng mga ito ganundin ang kanyang dedikasyon at sinseridad sa trabaho bilang public servant.

Samantala, dumalo sa naturang aktibidad ang mga officers at Board of Directors ng PMVA partikular na ang mga miyembro ng PVMA – Southern Mindanao Chapter.

Itinuturing ng PVMA na isang magandang pagkakataon para sa mga miyembro ang pagsasagawa ng convention bawat taon dahil magbibigay daan ito upang mapalakas pa ang ugnayan at koordinasyon sa kanilang hanay.

Tema ng PVMA 41st Annual Convention and Scientific Conference ngayong taon ay “Bridging Excellence in Veterinary Health”.