CENTRAL MINDANAO-Isang Kidapawenyo ang nagtapos bilang outstanding trainee sa paglaban sa SARS – Cov-2 o ang virus na sanhi ng Covid19 ng Philippine Genome Center (PCG) for Mindanao kamakailan lang.
Ginawaran ng recognition ng PGC Mindanao si Bryan Genard Tomimbang, RMT na siyang Laboratory Supervisor ng Kidapawan City Bio-Molecular Laboratory bilang patunay sa kanyang angking kakayahan na makatulong sa paglaban sa Covid19.
Si Tomimbang ay Licensed Medical Technologist ng BML na isang bagong laboratoryo ng City Government na naglalayong gawing mas mabilis ang testing ng mga sample mula sa mga pasyenteng nagkakasakit ng Covid19.
Sinabi naman ni Tomimbang na malaking tulong ang kanyang training mula sa PGC Mindanao dahil nabigyan siya ng dagdag na kaalaman sa tamang pagsusuri o diagnosis sa mga pasyente para malaman kung kumpirmadong tinamaan ng sakit sa pamamagitan ng Bio-Molecular Laboratory ng City Government.
Dahil sa kanyang kaalaman, mas magiging madali ang pagbibigay ng lisensya ng Department of Health para agad na makapag-operate ang naturang Bio- Molecular Laboratory at mas mapapalakas pa ang ang paglaban sa Covid19, dagdag pa ni Tomimbang.
November 8, 2021 ng ilagay ng PGC Mindanao sa kanilang Facebook page ang pagkakahirang ni Tomimbang bilang Outstanding Trainee na nagsanay laban sa Covid19 sa kanilang pasilidad na matatagpuan sa College of Sciences and Mathematics ng University of the Philippines Mindanao Campus sa Mintal Davao City.