CEBU CITY- Pormal na inilunsad ngayong araw ang ‘Kiddie Squad’ ng Cebu City Police Office.
Ayon kay Police Colonel Royina Garma ang city director ng Cebu City Police Office na pakay nito ang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na ma-expose sa mga police works , lumaki na may respeto sa batas at pagmamahal sa bansa.
Gusto rin ng director na magiging maayos ang relasyon nga mga kabataan sa mga pulis at hindi matakot.
Ang mga batang kasali nito ay nasa edad 8 hanggang 12 taon.
Ngunit nilinaw ng director na hindi nila isasali ang mga bata sa mga police operations. Mga administrative works umano at mga community-relation ang mga activities na gagawin ng mga ito.
Magiging benepisyaryo din umano ang naturang mga bata sa ‘kid sagot kita’ program ng PNP. Dagdag pa ni Garma na masusustain umano nila ito dahil meron na silang sapat na pundo.
Nabatid na sa nasabing kiddie squad meron umanong magiging little station commander at city director.