Patuloy ang monitoring ng PNP sa mga kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese.
Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar matapos na dumulog sa kanya ang Chinese embassy tungkol sa umano’y tumataas na kaso ng kidnapping ng mga Chinese sa bansa mula pa 2017.
Ayon kay Eleazar, pinaiigting na nila ang kanilang operasyon sa kidnapping at patuloy nilang tinutugis ang mga grupo na nasa likod nito.
Gayundin sa mga Pilipinong kasabwat sa kidnapping.
Giit ni Eleazar, ano mang nationality ng biktima o suspek, may regular na security assessment at adjustments ang PNP para mapanatili ang peace and order.
Samantala, binigyang daan naman ni Eleazar ang kahalagaan ng koordinasyon at kooperasyon sa pagtugon sa krimen.
Sa ngayon, nakikipag ugnayan na sila sa China Ministry of Public Security sa kaso ng kidnapping gayundin sa iba pang kaso tulad ng illegal na droga.