Dismayado si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na may mga pulis pa rin na sangkot sa kidnap for ransom group (KFRG).
Partikular na tinukoy ni Albayalde ang grupo ng Siervo criminal group kung saan ang leader ng grupo ay si PO1 Michael Siervo.
Pinuri naman ni Albayalde ang pagresolba sa mga serye ng mga kaso ng kidnapping gaya ng Youan Zhue Zhu kidnap for ransom case kung saan binihag ng suspek ang mismong anak at pinatutubos sa misis ng P1.6 million.
Ang kaso ni Denzhel Gomez, 19, estudyante ng Colegio de San Juan de Letran na dinukot sa may Balut, Tondo ng apat na mga suspeks kung saan hinihingan ng P30 million ang pamilya ng biktima kapalit ng kalayaan nito.
Dahil sa isinagawang operasyon ng AKG, arestado ang limang suspek kabilang ang mismong classmate ng biktima.
Nakilala ang ang mga suspek na sina Jhulius Atabay, Ferdinand Dela Vega, Ralph Emmanuel Camaya at Justine Mahipus.
Lima sa 10 mga suspeks ay may edad 19-20 years old.
Sa kaso naman ng Siervo criminal group na pinamumunuan ni PO1 Michael Siervo na dumukot sa isang lola sa Laguna lumalabas na batay sa sumbong ng biktimang si Bonifacia Pascual-Arcita, 69, dinukot siya ng limang lalaki noong Hulyo 29 at dinala sa isang safehouse.
Pinatakas umano siya nang makaramdam ang mga kidnapper na alam na ng mga pulis ang kidnapping cases.
Sa follow-up operations, natukoy ng pulisya ang safehouse na pagmamay-ari ni Siervo.
Narekober sa safehous ni Siervo ang ilang mga matataas na kalibre ng armas, bala at uniporme ni PO1 Siervo.
Ayon naman kay PNP AKG director C/Supt. Glen Dumlao, batay sa kanilang monitoring taong 2017 nagsimulang mag-operate ang grupo ni Siervo sa Laguna area.
Sinabi ni Dumlao apat na pulis ang sangkot sa sindikato pawang mga magka-classmate.
Sa ngayon, may ongoing follow up operations ang AKG laban sa mga kasamahan pa ni Siervo.
Ipinagmamalaki ni Dumlao na sa loob ng ilang araw lamang ay apat na kaso ng kidnapping ang kanilang naresolba.