-- Advertisements --
Sugatan ang kilalang actress at movie director ng Afghanistan na si Saba Sahar matapos na ito ay tambangan.
Ayon sa asawa nitong si Emal Zaki, galing ang biktima sa kanilang bahay sa Kabul at matapos ang limang minuto ay nakarinig na ito ng magkakasunod na putok ng baril.
Limang katao ang sakay ng sasakyan na kinabibilangan ng dalawang bodyguards, isang driver at isang bata.
Nasugatan ang dalawang bodyguards habang ligtas naman sa pamamaril ang bata at driver nito.
Ang 44-anyos ay kilalang actor, director at nagsusulong ng karapatan ng kababaihan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoriadad sa nasabing insidente.