-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang American painter na si Wayne Thiebaud sa edad 101.

Kinumpirma ito ng University of California kung saan nagturo ng mahigit 40 na taon.

Nakilala si Theibaud sa mga gawa nitong makukulay na paintings ng post-war America gaya ng mga cakes, makukulay na neck ties at ilan pa.

Isinilang sa Mesa, Arizona noong 1920 at lumaki sa California.

Nagtrabaho siya bilang sign-painter at apprentice ng Walt Disney Studio bago nagsilbi sa US Air Force noong World War 2.

Noong 1940 ay nag-aral siya ng fine art sa California State University sa Sacramento.