-- Advertisements --

Pinatawan na makulong ng limang taon ang kilalang female activist ng Saudi.

Ang 31-anyos na si Loujain al-Hathloul ay nasa maximum security prison na sa loob ng dalawa’t kalahating taon matapos na mansangkot sa pakikipag-alyansa sa mga grupo na kontra sa gobyerno.

Kabilang siya sa ilang aktibista na inaresto noong 2018 dahil umano sa nabanggit na alegasyon.

Mariing pinabulaanan nito maging ang kaanak nito ang ibinabatong alegasyon laban sa kaniya.

Si al-Hathloul ay nagsulong na mabigyan ng karapatan ang mga kababaihan na magmaneho ng kanilang mga sasakyan.