-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong beauty expert na si James Cooper sa edad 73.

Kinumpirma ng kaniyang kapatid na babae na si Grace San Miguel Agsalud ang pagpanaw ni Cooper sa habang ito ay nasa San Pablo City ,Laguna.

Naghahanda umano ito sa prusisyon para sa Santacruzan sa San Pablo cathedral ng biglang natumba.

Dinala pa siya sa community hospital sa San Pablo City.

Nagdiwang pa siya ng kaniyang ika-73 birthday noong Mayo 18.

Sumikat si Cooper sa Hollywood noong 1970 ng maging make-up artist ng mga sikat na artista gaya nina Farrah Fawcett, Victoria Principal at Jamie Lee Curtis.

Isa siya sa haligi ng local make-up industry gaya ng pumanaw na si Fanny Serrano, Jesi Mendez at marming iba pa.

Bumuhos naman ang pakikiramay at pakikipagdalamhati mula sa iba’t-ibang local celebrities matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng kilalang make-up artist.