-- Advertisements --
Pumanaw na ang sikat na Bulgarian artist na si Christo sa edad na 84.
Sinasabing dahil sa katandaan at sa iniindang sakit nito.
Sumikat si Christo kasama ang asawa nitong si Jeanne-Claude matapos na balutin nila ng tela ang sikat na Reichstag sa Berlin at Pont-Neuf sa Paris.
Noong 2016 ay gumawa ito ng Floating Piers na may kabuuagn 100,000 sq. m mula sa bright yellow fabric sa polyethylen cubes sa Lake Iseo, sa Sulzano, Italy.
Pinanganak bilang Christo Vladimirov Javacheff sa Gabrovo, Bulgaria noong 1935.
Lumaki sa Austria at Switzerland bago lumipat sa France kung saan nakilala nito ang asawang si Jeanne-Claude Denat de Guillebon sa Paris.