-- Advertisements --

Pinagbawalan ng korte ang kilalang celebrity na si Tessa Prieto Valdes na maglabas ng anumang negatibong pahayag laban sa dating karelasyon na si Angel Chua.

Sa inilabas na kautusan ng Makati City Regional Trial Court, kinatigan ng korte ang hiling na gag order laban kay Prieto habang patuloy pa ang pagdinig sa kaso.

Una rito, nagpasaklolo ang kampo ni Chua sa korte at inaprubahan ang inihaing mosyon ni Atty Alexander Llanes Acain Jr. na humihiling na magpalabas ng gag order dahil sa paglabag sa sub judice rule ni Prieto.

Sa ilalim ng sub judice rule ay ipinagbabawal ang pagbibigay ng anumang komento o statements sa isang kaso na nakabinbin, layon nito na maprotektahan ang integridad ng legal process gayundin ang karapatan ng magkabilang partido.

Nilabag umano ni Prieto ang sub judice rule nang magpa-interview ito at banggitin ang detalye sa kaso.

Nagpasalamat naman si Chua sa inisyu na gag order ng korte para narin sa kanyang proteksyon lalo na laban sa mga fake news.