Davao City – Sinibak ng isang Chinese fast food restaurant na may branch sa lungsod nga Davao ang server nito matapos mabatikos sa social media dahil sa paghahatid ng order sa bahay ng isang customer.
Matapos nag viral sa social media ang isang post, kung saan makikita sang service crew na si alyas Shiela ang ipinadala ng manager para mangolekta ng mga order mula sa mga bahay.
Sa video, nag-alala ang isang customer matapos nag-order ng halo-halo kung saan naaktuhan nitong walang delivery rider kundi mismong ang service crew ang naghatid ng order nito habang nakatirik ang araw.
Bukod pa riyan, sariling pera rin ang gamit ng server at payong lang ang dala nito sa pagde-deliver ng order.
Ayon sa service crew, maliit pa ang kanilang branch kaya naghahanap sila ng paraan para makaakit ng mas maraming customer.
Gayunpaman, matagumpay na naihatid ng service crew ang kanyang order at binigyan pa siya ng tip mula sa customer.
Ngunit pagkatapos ng insidenteng iyon, naglabas ng sentimyento ang mismong costumer.
Aniya, hindi maganda ang pakikitungo ng kumpanya sa kanilang manggagawa at kailangang panagutin ng management ang pamamaraang iyon.