-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang cinematographer na si Romy Vitug sa edad na 86.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Dona Vitug Taylor sa pamamagitan ng social media post nito.
May caption ang larawan ng dasal at pagkilala sa multi-awarded cinematographer.
HIndi na binanggit nito kung ano ang sanhi ng kamatayan ng ama.
Noong Disyembre 11, ay humingi ng tulong pinansiyal ang pamilya ni Vitug dahil sa pagkakaratay sa pagamutan dahil sa sakit na anemia at kumplikasyon ng pneumonia.
Nagsimula ang career ni Vitug noong 1969 sa industriya ng mga pelikula at telebisyon.
Isa sa mga kilalang pelikula nito na ginawa ay ang “Hellow Soldier” at ang trilogy na pelikula ni Lino Brocka na “Tatlo, Dalawa, Isa” noong 1974.