-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang Colombian artist na si Fernando Botero sa edad 91.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Lina Botero subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan ng ama.
Isinilang noong Abril 19, 1932 sa Medellin kung saan nakilala na isa sa pinakamatagumpay na painters at sculptures ng 20th century.
Karamihan sa mga paintings nito ay tungkol sa pulitika at ilang mga kakaibang hitsura.
Nanguna naman si Colombian President Gustavo Petro na nagpaabot ng pakikiramay sa kaanak ni Botero.