-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang computer hacker na si Kevin Mitnick sa edad 59.

Ayon sa kaanak nito na hindi na niya nalabanan ng kaniyang pancreatic cancer sa loob ng 14 na buwan.

Siya ay tinaguriang “most wanted” cybercriminals ng FBI at nakulong ng limang taon dahil sa computer at wire fraud noong dekada 90.

Matapos ang kaniyang pagkalaya noong 2000 ay naging “white hat” hacker, cybersecurity consultant at manunulat na rin.