-- Advertisements --

Pumanaw na ang sikat na Egyptian actor na si Ahmed Khalil sa edad 80.

Ayon sa kampo nito dinapuan siya ng COVID-19 sa kasagsagan ng shooting ng kaniyang show.

Isa sa pinakasikat na actor ng Egypt si Khalil na gumawa ng pangalan sa larangan ng arts.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kapwa nitong mga artista sa Egypt matapos na mabalitaan ang pagpanaw ni Khalil.