-- Advertisements --
Pumanaw na matapos dapuan ng COVID-19 ang kilalang Japanese fashion designer na si Kenzo Takada sa edad 81.
Ayon sa tagapagsalita ng kumpanya nitong K-3 brand, hindi na nito nakayanan ang kumplikasyon dulot ng virus kung saan nalagutan ito ng hininga sa American Hospital sa Neully-sur Seine, France.
Noong 1970 ng sumikat si Takada sa Paris kung saan siya ang nagpauso ng mga mismatched na mga damit na inspired mula sa kaniyang mga biyahe sa ibang mga bansa.
Bumuhos naman ang pakikiramay sa mga iba’t-ibang fashion designer sa mundo matapos mabalitaan ang nasabing balita.