-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang isang kilalang food vendor at vlogger na si Diwata dahil sa kinakaharap nitong kaso noong 2018.

Ayon sa Southern Police District, matagumpay ang paghahain nila ng warrant of arrest laban kay Deo Balbuena aka diwata para sa kasong slight physical injuries.

Nahuli si Diwata sa kahabaan ng Diokno Boulevard sa lungsod ng Pasay ng Pasay City Police.

Kaagad naman ito pinalaya matapos na makapagpyansa ng 3,000 pesos.

Wala pang komento si Diwata sa naturang isyu.