-- Advertisements --

Pumanaw dahil sa kumplikasyon sa COVID-19 ang sikat na hip-hop artist sa New York na si DJ Kay Slay sa edad 55.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya sa inilabas nilang pahayag sa New York hip-hop radio station.

Si Klay Slay o Keith Grayson ang tunay na pangalan ay gumawa ng pangalan sa hip hop scene noong dekada 90.

Nakasabay niya noon sina Jay-Z at Eminem.

Nagpaabot ng mga pakikiramay ang ilang mga hip-hop artist na nakasama nito sa industriya.